Saturday, February 11, 2006

Wakas

Nagwakas na ang SUGO. Isinakripisyo ni Amante ang kanyang buhay upang matalo lamang si Apo Abukay na dumating mismo sa araw ng kasal nila Miguel at Isabel. Maraming buhay ang nasawi dahil sa kasamaan ni Apo ABukay ngunit ngayon ay natapos na ang lahat, wala na si Apo Abukay at naghihintay naman ang maganda, payapa at maayos na kinabukasan para kina Isabel at Miguel at sa kanilang magiging anak.

Sunday, February 05, 2006

Sugo's Party

Nalalapit na ang pagtatapos ng Sugo na lumagpas nang pitong buwan sa ere.
Maganda ang kinahinatnan ng Sugo rating-wise at maski off season ay hindi ito nawalan ng commercial.
Happy ang pamunuan ng GMA 7 sa nanyari sa Sugo na maraming malalaking artista ang nasa cast.
Hindi kami nagtaka na sa laki ng production cost ng Sugo ay bawing-bawi ang network sa commercial load nito. Nagdaos ng thanksgiving party ang Sugo na dinaluhan ng mga artista at press people. Bale naging double celebration ang nasabing party dahil nagkaroon din ng surprise party para sa PUM na si Lilibeth Rasonable.
Dumalo sa nasabing party ang executives ng GMA 7 na sina Wilma Galvante, Marivin Arayata, Redgie Acuña-Magno, Bang Arespacochaga at Darling de Jesus.
Hindi pa man natatapos ang Sugo ay pinaghahandaan na ni Richard Gutierrez ang bagong teleserye na kanyang gagawin.

Friday, February 03, 2006

Sugo lagpak sa ratings

Pansin niyo ba sa mga ratings na pinopost ko dito na ilang beses nang lumagpag sa ratings ang SUGO. At sa maaaring ito rin ang dahilan kung bakit bumabagsak ang ratings ng Etheria at StarStruck kung minsan. Pansin niyo ang ratings ng Extra Challenge panalo ito kumpara sa katapat nitong show sa kabila. Pag pasopk ng Sugo at bumababa na ang ratings, tapos lalo itong bumababa pag dating sa Etheria paminsan minsan. Tapos pag si Jang Geum na ang bida (Jewel in the Palace) talagang abot hanggang sa palasyo ang ratings nito (37%) dahil hindi ito bumababa sa 30%. Bakit kaya?

Sugo... Magwawakas na...

Malapit na ang wakas ng Sugo na pinangungunahan ni Richard Gutierrez sa role ng kambal na sina Miguel at Amante. Kwento ito ng isang walang hanggang na labanan ng kabutihan at kasamaan. At ng di matapus-tapos na di pagkakasundo ng kambal na hindi batid na ang pagkakasundo lamang nila ang pinaka-malakas na paraan upang matalo si Apo Abukay (Gardo Versoza) at maibalik ang kapayapaan sa mundo. Naiipit sa kanilang tunggalian si Isabel na di rin alam kung sino ang tunay niyang mahal sa dalawa, ang kababata ba niyang si Miguel o ang naudlot niyang pakakasalang si Amante? Nagbibigay ng P1,000 gabi-gabi ang Sugo sa isang mapalad na manonood o P25,000 sa grand draw at limited edition ng Sugo bracelets. Sagutin lamang ang trivia questions gabi-gabi at i-text ang sagot sa SUGO space ON at ipadala sa 4627 Smart at Talk N Text at 2364 para sa Globe, Sun at Touch Mobile subscribers. Pwede n’yo ring piliin kung sino kina Miguel at Amante ang gusto n’yong makipag-bakbakan kay Apo Abukay upang maisalba si Isabel. Bumisita lamang sa GMA WAP site (wap. igma.tv). Panoorin Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Extra Challenge sa GMA7.

Wednesday, February 01, 2006

Miss L.T Balik sa taping ng Sugo...

Pagkatapos ng mahabang panahon ay nag-taping na muli ang ina nina Miguel at Amante sa Sugo na si Miss Lorna Tolentino.
Kailangan na siyang muli sa mga eksena sa pagtatapos ng nasabing teleserye.
Matagal din bago uli tinawag si Lorna T. para mag-taping. Miss na miss na ng misis ni Rudy Fernandez ang mga kasamahan niya sa Sugo.
Gayun pa man ay busy rin si Lorna sa mga taping niya sa O Mare Ko na napapanood sa QTV 11.
Dahil sa magandang ratings nito ay pinapirma sila para sa second season ng O Mare Ko.

Friday, January 27, 2006

Matalo na kaya si Apo Abukay???

Matalo na kaya ni Miguel ang hari ng kasamaan na si Apo Abukay? Naganap na ang nakasaad sa tabletang Bato, nangyari na ang eclipse na kanilang hinihintay sapagkat sa araw na ito maaaring matalo ng mga Sugo si Apo Abukay dahil humihina ang kapngyarihan ni Apo Abukay. Ngunit parang walang pagbabago sa kapangyarihan ni Apo Abukay, malakas pa din siya at nagbago pa ng anyo. Matatapos na ang Eclipse, magawa kayang matalo si Apo Abukay? Subaybayan...

Sunday, January 15, 2006

Ikaw ba ang tunay na ... SUGO!!??

Karag-ayan laban sa Binhilan. Dalawang kampon na magkalaban sa simula pa lamang. Ang kabutihan (Karag - ayan) laban sa kasamaan (Binhilan). Ang Binhilan ay pinamumunuan ni Apo Abukay, ang kinikilalang panginoon ng mga Binhilan na muli nilang bubuhayin sa pamamagitan ng dugo ng isang Alay (Isabel). Ngunit ito ay pipigilan ng kambal na SUGO na sila Miguel at Amante na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan, ang mga SUGO, ang tagapagtanggol at tagapagligtas ng naaapi at ng sangkatauhan.